Mga Senador, hinimok na ipasa na ang panukalang Department of Disaster and Emergency Management

Umaapila si Senador Grace Poe sa mga kapwa mambabatas na pagtibayin na ang panukalang Department of Disaster Resilience and Emergency Management kasunod ng pananalasa ng bagyong Usman sa Bicol region na ikinasawi na ng mahigit 80 katao.

Sa Senate Bill 1735 ni Poe, ang departamento ang bibigyan ng otorisasyon sa policy making, planning coordination at evaluation ng mga programang may kinalaman sa Disaster management.

Sa kasalukuyan kasing sistema, ang NDRRMC ang nangangasiwa sa Disaster response pero nasa dswd pa ang relief operations.

Pero ayon kay Poe, kulang pa ang naging pagtugon ng mga nabanggit na ahensya ng gobyerno para agad tugunan ang mga apektado ng bagyo.

Katunayan, may mga na-trap aniya sa mga nangyaring landlside na hindi agad nabigyan ng tulong dahilan kaya marami ang naging casualties.

Iginiit ng Senador na kulang pa rin ang coordination ng National government at ng Local Government units dahil walang pointperson o nananagot sa NDRRMC.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *