Mga Senador, idinepensa ang desisyon ni Pangulong Duterte na bigyan ng absolute pardon si Pemberton
Ipinagtanggol ng mga Senador ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ayon Kay Senador Christopher “Bong” Go, prerogative ito ng Pangulo batay sa kaniyang judgement.
Naniniwala naman si Senador Imee Marcos na ginawa ito ng Pangulo para matigil ang ginagawang exploitation ng oposisyon sa isyu.
Iginiit ni Marcos na napagsilbihan na ni Pemberton ang parusang ipinataw ng Philippine Judicial system batay sa itinatakda ng Saligang Batas.
Meanne Corvera
Please follow and like us: