Mga Senador na nanawagan ng resignation ni Faeldon, dumarami
Mas lumalakas ang clamor ng mga Senador para hilingin ang pagbibitiw ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, batay ito sa consensus matapos ang mga imbestigasyon ng Kamara at Senado sa nangyaring pagpupuslit ng mahigit animnaraang kilo ng shabu sa Bureau of Customs.
Sinabi ni Pangilinan na sapat na ang imbestigasyon ng dalawang kapulungan para tanggalin o sibakin ng Pangulo sa pwesto si Faeldon at mga tauhan nito.
Tinukoy pa ni Pangilinan ang ibang appointee ni Pangulong Duterte na nasibak sa pwesto gayong mas maliit ang kanilang paglabag taliwas sa kaso ni Faeldon.
“After several hearings in both houses, there is a clamor for the resignation of Faeldon coming from both administration and opposition Senators and Congressmen. The bipartisan clamor should be enough basis for Malacanang to show the door to the commissioner and a number of his people. Many other appointees have been fired for lesser offenses. We trust that Malacanang will heed the calls and act accordingly”. – Sen. Pangilinan
Ulat ni: Mean Corvera