Mga Senador, nababahala sa matinding epekto ng pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna

Naging emosyonal na si Health Secretary Francisco Duque III sa ikalawang pagsalang ng kaniyang kumpirmasyon sa Commission on Appointments o CA.

Tinanong ni Senador Risa Hontiveros si Duque kung ano ang
ginagawa nitong hakbang sa patuloy na pagbulusok ng bilang ng mga
magulang na tumangging pabakunahan ang kanilang mga anak.

Ayon kay Hontiveros, nakababahala ang datos ng Department Of Health o DOH na bumagsak na sa halos 60 percent ang nais magpabakuna mula sa kanilang dating datos na 85 hanggang 90 percent matapos ang kontrobersyal na anti dengue vaccine na Dengvaxia.

Sagot ni Duque, isang malaking problema ang kinakaharap ngayon ng DOH
dahil kahit ibang bakuna gaya ng polio, hepatitis at tigdas ay ayaw na
ring tanggapin ng mga magulang

Malaking hamon din aniya ngayon ang pagpapalakas sa morale ng mga
empleado ng DOH dahil na rin sa nangyaring anomalya sa Dengvaxia.

Ipinaalala niya aniya sa mga empleyado at mga doktor na hindi dapat
magpaapekto sa mga batikos at isaalang-alang pa rin ang pangangalaga
sa kalusugan.

Samantala,  inamin ni Duque na umabot sa sampung porsyento ng mga
biniling gamot ng gobyerno ang nasasayang dahil sa sobra-sobrang mga
stocks.

Karamihan aniya sa mga gamot ay nag-expire na at hindi na nagamit na at ito
nangyari sa ilalim ng termino ni dating Health Secretary Paulyn Ubial.

Sa kaniya raw impormasyon bago maupo sa pwesto, itinigil muna ang
pagbili ng ilang gamot kaya nawalan ng suplay.

Ito ang dahilan kung bakit hindi naagapan at nagkaroon ng measles
outbreak sa Davao City.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

===  end  ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *