Mga Senador, nadismaya sa hindi pagsipot ni Executive Secretary Vic Rodriguez sa imbestigasyon
Dismayado ang mga Senador sa pang-iisnab ni Executive Secretary Vic Rodriguez sa pagdinig ng Senado sa naunsyaming importasyon ng 300 thousand metric tons ng asukal.
Hindi nakasipot si Rodriguez na nagpadala ng abiso sa Senate Blue Ribbon Committee dahil sa cabinet meeting.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, dapat ipatawag si Rodriguez sa susunod na pagdinig dahil kailangan nitong sagutin ang pahayag ng mga dating opisyal ng SRA na si Rodriguez ang nag-utos sa kanila para mag draft ng importation plan.
Igiinit rin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na maraming dapat sagutin si Rodriguez at hindi puwedeng tapusin ang pagdinig hanggat hindi siya nagpapaliwanag.
Sa pagdinig ng komite, idiniin ng mga dating opisyal ng SRA na mismong si Rodriguez ang nagbigay ng go signal na mag-angkat ng asukal at alam umano ito ng Pangulo.
Batay raw sa consultation sa stakeholders urgent ang pangangailangan sa asukal.
Naiprisinta raw nila ang datos na ito sa meeting sa Malacañang noong August 1 na hindi naman tinutulan ni Rodriguez o ng Pangulo.
Inamin naman ni Sebastian na hindi pa tinatanggap ni Pangulong Bongbong Marcos ang kaniyang resignation letter.
Pero pinatawan siya ng 90 day preventive suspension na hanggang ngayon epektibo.
Si Sebastian ay nauna nang nagbitiw sa puwesto dahil sa paglalabas ng sugar order number 4 na sinasabing hindi ikinonsulta sa malacanang at lumagda sa pangalan ng Pangulo.
Meanne Corvera