Mga senador nagbabala na lalabag sa konstitusyon kung magpapasa ng batas sa diborsyo
Nagbabala ang mga senador na lalabag sa batas kapag ipinilit ng kongreso ang pagpapatibay ng diborsyo.
Ayon kay Senador Richard Gordon, malinaw sa konstitusyon ang kasagraduhan ng kasal na dapat pinoprotektahan ng gobyerno
“Ako I think , it will violate the constitution because nakalagay dun marriage is a social institution that the government should try and protect.”
Pagtiyak ng mga senador, dadaan sa butas ng karayom at mahabang debate ang panukala.
Sinabi ni Senador Sonny Angara na imposibleng lumusot ang divorce bill sakaling isalang na ito sa debate at botohan.
Gaya ng iba pang senador, hindi sya pabor sa diborsyo dahil sisirain ang kasagraduhan ng kasal.
“We have to be carefully what we have going through there’s a correct balance we’re you don’t remove the sanctity of marriage but you also dont trap people.”
Tutol rin si Senador Manny Pacquio dahil magiging biktima ang mga babae at mga bata
“Pagpasok mo sa marriage life not temporary.Dapat mauintidihan isapuso, may mga circumtances na hindi laging masaya.May kalugkutan.Yun ang intindihin.”
Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na sapat na ang batas sa annulment para ayusin ang problema sa kasal at hindi na kailangang magpasa ng batas sa diborsyo
“Ako hindi (pabor sa divorce). May annulment na tayo. May batas na sa annulment, na-relax ang batas sa annulment. At ang Pilipinas is a Catholic country. Mukhang di pa tayo ready roon.”
Sa ngayon wala pang counterpart bill sa senado at posibleng ang naita transmit na bersyon na lamang ng kamara ang pagbabatayan ng senado.
Ulat ni Meanne Corvera