Mga Senador, nagbabala ng Constitutional crisis kapag ipinagpaliban ang eleksyon
Nagbabala ang mga Senador na maaring magkaroon ng Constitutional crisis kung ipagpapaliban ang 2022 National Elections.
Sa harap ito ng panukala ni House Deputy majority leader Mikey Arroyo na ipagpaliban ang halalan dahil sa epekto ng Covid-19 Pandemic.
Tutol si Senador Panfilo Lacson dahil malinaw sa Konstitusyon ang schedule at termino ng mga Government officials at hindi na maaaring palawigin ang kanilang termino sa pamamagitan ng postponement ng halalan.
Iginiit rin ni Senate President Vicente Sotto na kapag naantala ang halalan, walang uupo sa mga posisyon sa gobyerno dahil hanggang June 30, 2022 lang ang termino ng mga kasalukuyang opisyal.
Ang pagpapalawig rin anila sa termino ng sinumang Government official ay paglabag sa Saligang Batas.
Statement: Senate President Sotto:
“The idea presents a number of controversial and unconstitutional issues. To name a few who will hold over their positions? If not, who will appoint their replacements? The tenure of elected Gov’t officials are fixed”.
Hindi rin pabor si Senador Christopher “Bong” Go sa panukala.
Marami pa aniyang alternatibong paraan na magagawa ang gobyerno at mahaba pa ang paghahanda ng Commission on Elections.
Maaari naman aniyang ikunsidera ang paggamit ng teknolohiya sa paraang malinis, may kredebilidad at naayon sa Saligang Batas.
Paalala ni Go, obligasyon ng Gobyerno na protektahan ang Right to Suffrage ng mga Filipino kahit pa sa panahon ng krisis.
Statement: Senador Go:
“Para sa akin, dapat magawan ng paraan na maituloy ang eleksyon. Pag-aralan natin ang ibang alternatibong paraan gamit ang teknolohiya kung paano maisasagawa ang eleksyon sa paraan na malinis, may kredibilidad, naaayon sa batas, at ligtas para sa ating mga mamamayan”. We still have time to prepare. Let us also study best practices conducted in other countries. Postponing the elections should be a last resort. The government must ensure continuity of delivery of public services, including protecting Filipinos’ right of suffrage, even in times of crisis“.
Iginiit naman ni Senador Francis Pangilinan na ang Pilipinas ay hindi gaya ng Hongkong na hawak sa leeg ng China kaya naipagpaliban ang eleksyon dulot ng Pandemya.
Maaari naman aniyang gawin ng dalawang araw ang halalan o kaya’y ilipat sa mga basketball court o gymnasium at iba pang maluwag na lugar para matiyak na masusunod ang physical distancing at iba pang heath protocol.
Senador Kiko Pangilinan:
“Hindi tayo tulad ng Hongkong na hawag sa leeg ng China kaya naipagpaliban ang kanilang eleksyon”. May mga paraan upang matuloy ang eleksyon at maproteksyunan ang kalusugan ng mga nais bumoto tulad ng gawing dalawang araw ang halalan para mabawasan ang dami ng tao sa voting centers. Maaari rin ilipat ang botohan sa mga basketball court, sa mga plaza, mga gymnasium, convention center para mas maluwag at maipatupad ang social distancing”.
Meanne Corvera