Mga Senador nagbabala ng deadlock kapag ipinilit ang 1k na pondo ng CHR
Pinangangambahan ngayon ang banggaan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Nagdesisyon ang Mayorya ng mga Senador na ipaglaban at ibalik ang tinapyas na budget ng Commission on Human Rights.
Kinondena ng mga Senador ang hakbang ng Kamara na bigyan ng isang libong pisong pondo ang ahensya at iginiit na ang CHR ay isang constitutional body.
Binigyan anila ito ng mandato ng saligang batas para protektahan ang karapatang pantao kaya tama lang na mabigyan ng sapat na resources.
Depensa ng mga Senador, hindi dapat pag-initan ang CHR dahil lamang sa pag-iimbestiga sa mga kaalyado ng administrasyon na lumalabag sa Human Rights.
Babala naman ng oposisyon, hindi malayong magkaroon ng deadlock o mabinbin ang pagpapatibay ng hinihinging 3.7 trillion budget ng gobyerno.
Ulat ni: Mean Corvera