Mga Senador nagbigay pugay kay dating Pangulong FVR
Nagbigay pugay ang mga Senador kay dating Pangulong Fidel V. Ramos na namatay dahil sa kumplikasyon sa COVID- 19.
Nagpasa ng resolusyon ang Senado bilang pag-aalala sa naging ambag ng dating Pangulo para sa pag-angat ng buhay ng mga Pilipino.
Sa resolusyon na inakda nina Senate president Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara at Senador Joel Villanueva, sinabi ng mga Senador na nakikidalamhati ang buong institusyon sa pagkamatay ni FVR.
Kinilala nila ang ginawa ni FVR na nagpatupad ng reporma para umusad ang ekonomiya ng bansa matapos ang 1997 East asia financial crisis.
Si FVR rin anila ang nagbalik ng kapayapaan sa Mindanao nang lagdaan ang Peace agreement sa Moro National Liberation Front noong 1996.
Naka halfmast naman ang bandila ng Senado bilang pagluluksa sa pagkamatay ng dating Pangulo.
Meanne Corvera