Mga Senador, naging emosyonal sa pagsasara ng 18th Congress
Naging emosyonal ang mga Senador sa pagpapaalam ng kanilang mga kapwa mambabatas sa Sine Die Adjournment o pagsasara ng 18th Congress.
Sa kaniyang valedictory speech nagpasalamat si Senate President Vicente Sotto III sa mga kasamahan at sa publiko na nagbigay ng tiwala sa kaniya na mamuno sa Senado bilang institusyon.
Nais niyang maalala siya bilang musician by profession, drug buster, public servant at sportsman.
Ang apila niya sa kaniyang mga kasamahan, huwag dungisan ang Senado, panatilihin ang integridad at pagiging independent.
Nagpasalamat rin si Sotto sa mga miyembro ng media dahil sa naging ambag para manatili ang transparency at accountability sa gobyerno.
Bukod kay Sotto graduating na rin sa Senado sina Senators Panfilo Lacson, Franklin Drilon at Ralph Recto.
Matatapos na rin ang termino nina Senators Manny Pacquiao, Francis Pangilinan, Richard Gordon at Leila de Lima.
Meanne Corvera