Mga Senador nagkasundong hindi mamadaliin ang Chacha at tiniyak na haharangin ang anumang plano para sa No Elections sa 2019

Kung ngayon pagbobotohan ang Charter Change tiyak na maibabasura ito sa Senado.

Ayon kay Senador Ping Lacson, mayorya sa kaniyang mga kasamahan ang ayaw sa anumang paraan para amyendahan ang Saligang Batas.

Senador Lacson:
“Ang Senado will really make a stand as one tungkol sa Chacha… We will assert our role in accordance with the provisions of the Constitution, as simple as that. Meaning, we’ll not enter into a joint session or convene into a joint session kung hindi malinaw na voting separately. And may mga ideas that we won’t make ourselves open to any possibility of a joint session”.

Matigas rin ang paninindigan ng Senado na haharangin ang anumang pagtatangka para sa kanselahin ang eleksyon sa 2019.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ito ang nabuong concensus sa ipinatawag na all members caucus.

Nagkasundo rin aniya ang mga senador na hindi mamadaliin ang pagtalakay sa anumang amyenda sa Saligang Batas partikular na ang panukalang Federal constitution na isinumite ng Constitutional Commission.

Sen Sotto:
“Di pwede sa amin yun, maliwanag ang ating consti at kung narinig nyo ang speech ko kahapon pinangunahan ko ang maaarng maging intensyon nila. whether sinadya o hindi God permitting ganun ang mensahe namin di pwede yung gusto nilang ganun”.

Gayunman sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na itutuloy ng Senate committee on constitutional amendments ang Cha-Cha hearing para himayin at pag-aralan ang draft Federal Constitution.

Pero sa ngayon hindi aniya pabor ang maraming Senador sa Federal Constitution dahil itutulak lamang nito ang red tape, pagpapalakas ng dinastiya at mas malaking buwis na makakasama sa ekonomiya.

Sen. Recto:
“My reading is that a great majority is against it. Federalism will add to the bureaucracy , red tape, more taxes, greater tension in govt, will promote dynasty, bad for economy, credit down grade , etc. better to amend local govt code, implement Supreme Court decision on ira and focus on creating jobs and a lower inflation rate”.

Kinumpirma naman ni Senate majority leader Juan Miguel Zubiri na walang utos na madaliin ang cha-cha.

Dadaan pa aniya sa mahabang debate ang anumang panukala para amyendahan ang Saligang Batas.

Sen. Zubiri:
“Ang stand namin sa Cha-cha tuloy hearing…hindi po namin mamadaliin…walang utos na madaliin ito”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *