Mga Senador, nagpaabot ng pagbati sa ika-105 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo
Kapayapaan at kasaganaan sa paglilingkod…..
Ito ang hiling ng mga Senador sa ika-105 taong anibersaryo ng Iglesia ni Cristo.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, mahalaga ang naging papel ng INC lalo na sa pagtulong sa kapwa.
Senador Risa Hontiveros:
“Sana’y mabiyayaan po kayo ng kasaganaan at kapayapaan at isa pang 100 taong panglilingkod sa kapwa at pananampalataya sa Diyos”.
Naghain naman ng resolusyon si Senate majority leader Juan Miguel Zubiri bilang pagkilala sa naging ambag ng INC sa lipunan.
Ayon kay Zubiri, malaki ang naitutulong ng INC sa nation building sa Pilipinas.
Senador Zubiri greetings:
“Pagpupugay po kay Ka Eduardo V. Manalo ang haligi ng INC at pagpupugay sa milyon-milyong kapatid natin sa INC na siyang responsable sa nation building impact ng ating bansa”.
Humanga rin si Senate President Vicente Sotto III dahil sa nakalipas na isang siglo matibay pa rin ang INC.
Senador Sotto:
“Sa paglipas ng isang siglo, patuloy pa rin ang paglilingkod ng INC sa mga Filipino at sa ating Panginoon. Nawa’y ang biyaya ng Diyos ay sumainyo. Mabuhay po kayo Ka Eduardo Manalo at ang buong INC”.
Ulat ni Meanne Corvera