Mga senador nagsagawa ng topping off ceremony para sa bagong gusali ng Senado
Nagsagawa ng topping off ceremony ang mga senador para sa bagong gusali ng senado sa fort bonifacio sa Taguig kanina
Ang topping off ay ginagawa para sa pagkumpleto ng isang structural frame ng isang gusali sa pamamagitan ng pagkakabit ng huling structural beam nito
Pinangunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang seremonya na dinaluhan ng iba pang senador.
Sumaksi rin sina dating Senate President Vicente Sotto, dating senador at batangas representative Ralph Recto, public works secretary Manuel Bonoan at Taguig mayor Lani Cayetano.
Target ng senado na magamit ang gusali sa July 2024 o sa pagbubukas ng sesyon sa susunod na taon
Ayon sa liderato ng senado, ang bagong gusali ay nakadisenyo para sa ecologically responsive design excellence o berde program dahil ito ay may energy efficient system, water conservation measure at ginamitan ng mga eco friendly materials
Ang pagtatayo ng gusali ng senado ay isinulong ni dating senador Ping Lacson noong 17th Congress dahil sa maliit na espasyo sa GSIS building bukod sa malaking halaga na ipinabayad bilang upa sa gusali.
Meanne Corvera