Mga Senador nais gawing krimen ang fake news
Naalarma ang mga Senador sa resulta ng survey na nagsasabing siyam sa bawat sampung Pilipino ang nababahala sa pagkalat ng fake news.
Kaya naman naghain na si Senador Jinggoy Sstrada ng panukalang batas para dito.
Ayon sa Senador, hindi dapat hayaan na lumaganap ang mga iresponsableng balita at impormasyon na magdudulot aniya ng maling desisyon ng ating mga kababayan.
Bagamat ginagarantyahan aniya ng saligang batas ang freedom of speech, hindi ito dapat inaabuso.
Bukas rin si Senador Bong Go na maghain ng panukala hinggil dito hindi kasi aniya makatarungan ang pagyurak sa dignidad ng ibang tao kung wala naman itong ginagawang masama
Pero iginiit ni Senador Joel Villanueva na may mga umiiral ng batas para labanan ang fake news.
Kung siya ang tatanungin dapat paigtingin na lang ang mga batas sa libel at slander para maitaguyod ang accounTability sa pag- uulat ng balita at mga ipinopost sa social media.
Meanne Corvera