Mga Senador, nangangambang maantala ang pagpapatibay sa Pambansang Budget
Nangangamba ang liderato ng Senado na maantala ang pagpapatibay ng panukalang P 4. 5 trillion national budget para sa susunod na taon.
Dulot ito ng bangayan sa house speakership na nagresulta ng maagang pag adjourn ng sesyon ng mababang kapulungan.
Ayon kay senate president vicente sotto, mistulang binalewala ng Kamara ang request ng pangulo na I-priority ang budget.
Iginiit ni Sotto na dapat ang budget ay napagtibay at Naisumite na sa senado bago ang kanilang break ngayong oktubre.
Nangangamba si Sotto na magkaroon ng re-enacted budget kapag nasunod ang kanilang timeline.
Isa sa inirekomenda ng solusyon ni senate majority leader Juan miguel zubiri ang pagpapatawag ng Special session .
Ayon kay zubiri, nakikipag ugnayan na si sotto kay house speaker Alan peter cayetano at sa malacanang para talakayin ang posibleng kahihinatnan ng budget .
Dahil hindi kasi napagtibay at napending sa second reading sa Kamara ang budget, hindi ito maaring talakayin sa plenaryo ng senado.
Kung mapagtitibay naman aniya ito sa thrd reading pagkatapos magresume ang sesyon sa november 16, matatagalan pa bago ito matalakay sa senado dahil kakailanganin pa itong ipa imprenta.
Nangangahulugan ito ng delay dahil kailangan paniyong rebyuhin ng mga senador .
Meanne Corvera