Mga Senador naniniwalang hindi seryoso ang Pangulo sa pahayag na magtatatag ng sparrow unit

 

Minaliit ng mga Senador ang pahayag ng Pangulo na magtayo ng sariling sparrow unit.

Ayon kay Senador Aquilino Koko Pimentel, hindi seryoso ang Pangulo at malabong gawin niya ito.

Naniniwala naman si Senador Ping Lacson na bilang isang abugado at dating prosecutor, alam ng Pangulo na iligal at labag sa batas ang gawain ng mga sparrow unit.

Nakakabahala naman ayon kay Senador Grace Poe ang pahayag ng Pangulo at iginiit na may mga batas na sinusunod laban sa mga kriminal at dapat pa ring manaig ang proseso.

Pero para kay Senador Antonio Trillanes ang pahayag ng Pangulo ay babala sa publiko sa posbolidad na maulit ang mga kaso ng extra judicial killings.

Nais rin umanong ipakita ng Pangulo na hindi ito ang responsable sa libo libong kaso ng pagapatay kasabay ng kampanya laban sa droga ng administrasyon.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *