Mga Senador, pinababawi ang regulasyon ng BIR na magpataw ng dagdag buwis sa mga private school
Nangangamba ang mga Senador na mas maraming pribadong eskuwelahan ang magsasara dahil sa utos ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan sila ng Income Tax.
Iginiit ng mga Senador na dapat bawiin na ang inilabas na Memorandum ng BIR na magpapataw ng 25 percent na Corporate income tax sa mga pribadong eskuwelahan mula sa kasaluyang 10 percent .
Taliwas umano kasi ito sa layunin ng ipinasang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Law para bawasan ang impact ng Coronavirus.
Kapwa iginiit nina Senador Ralph Recto at Nancy Binay sa mga mambabatas na ang mga pribadong eskwelahan ang isa sa matinding tinamaan ng Pandemya.
Ayon kay Binay marami na sa mga pribadong eskuwelahan ang nagsara dahil sa Pandemya at mas marami pa sa kanila ang maaaring bumagsak dahil sa ipatutupad na Revenue regulation.
Meanne Corvera