Mga Senador pinagtibay ang panukalang Public Private Partnership o Senate Bill 2233

Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang public private partnership na inaasahang magpapabilis sa konstruksyon ng mga infrastructure projects

Dalawampung Senador ang bumoto pabor habang walang tumutol na aprubahan ang Senate Bill 2233.

Sinabi ni Senador JV Ejercito na isa sa mga pangunahiing nagsulong ng panukala, sa pamamagitan ng PPP, masosolusyunan ang lumalalang infrastructure backlogs.

Mahalaga aniya ang ambag ng mga negosyante dahil sa pamamagitan ng PPP makapagbibigay ng trabaho sa mga pilipino.

Ayon sa Senador batay sa Philippine Development Plan na target matapos sa 2028, kailangang itaas ng Pilipinas ang infrastructure investments lalo na sa sektor ng Transportasyon, Water supply, at Sanitation Irrigation, Kalusugan at Edukasyon.

Sa kaniyang SONA nitong hulyo, una nang sinabi ng pangulo na maglalaan ng 8.3 billion pesos para tustusan ang halos dalawandaang infrastructure projects.sa buong bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *