Mga Senador pumalag sa napapabalitang planong pagpapatalsik kay Senate President Juan Miguel Zubiri
Pinabulaanan ng mga Senador ang umuugong na umanoy planong pagpapatalsik kay Senate President Juan Miguel Zubiri.
Sinasabing papalitan si Zubiri sa kabagalan ng pagtibayin ang mga priority bills ng administrasyon.
Noong nakaraang taon, tatlong batas lang ang napagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso kabilang na ang SIM card registration, pagpapaliban ng baranggay at SK elections at ang pambansang budget para ngayon taon.
Pero pumalag ang mga Senador sa isyu at iginiit na isa itong fake news.
Sinabi ni Senador Sonny Angara, kaunti talaga ang output ng senado dahil nakabuckle down pa sa mga committee level ang mga panukala.
Masyado pa aniya maaga para husgahan ang trabaho ng liderato ng Senado.
Wala ring nakikitang dahilan si Senador Christopher ‘Bong’ Go para patalsikin si Zubiri sa puwesto.
Pasa sa Senador isang magaling na lider si Zubiri dahil kinokunsulta nito ang lahat ng senador sa mga kontrobersyal na isyu o panukala kaalyado man o oposisyon.
Tinawag naman ni Senador Joel Villanueva na malisyoso, walang basehan at desperado ang naglabas ng report.
Hindi lang raw kasi si Zubiri ang nais nitong sirain kundi ang integridad ng Senado.
Pagtiyak naman ni Senador Jinggoy Estrada, hawak ni Zubiri ang tiwala at suporta ng majority ng mga Senador dahil sa accomplishment ng kasalukuyang liderato matapos mapagtibay ang mahahalagang panukalang batas.
Kung pagbabatayan aniya ang kanilang accomplishments na naipasa ng Senado ang regional comprehensive partnership agreement.
Ang pambansang budget at learning recovery para sa mga kabataan na apektado ng pandemya.
Marahil konektado raw ang isyung ito sa isinusulong na mayenda sa saligang batas na tinaggihan na ng maraming Senador.
Tinawag naman ni Zubiri na basura ang report na aniya’y isang imahinasyon ng mga walang magawa.
Dumepensa si Zubiri at iginiit na hindi basta-basta maaring magpasa ng batas at kailangang masusui muna itong pag-aralan at dumaan sa tamang proseso.
Hindi rin aniya rubberstamp ang Senado na susunod sa dikta ng sinuman.
Meanne Corvera