Mga Senador, tinanggihan ang hirit na umaksyon sila laban sa Quo Warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Sereno
Ibinasura ng mga Senador ang panawagan ng Coalition for Justice na magpasa ng resolusyon ang Senado para hilingin sa Korte Suprema na itigil ang proceedings sa Quo Warranto proceedings laban kay Supreme Court Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.
Kapwa sinabi nina Senate Majority leader Vicente Sotto at Senador Francis Escudero na walang dahilan para unaksyon ang senado dahil wala pa namang nangyayari sa impeachment procedings laban kay Sereno.
Katunayan hindi pa ito naaprubahan sa plenaryo ng kamara at lumusot pa lamang ito sa House Justice committee.
Hinimok pa ni Escudero ang grupo na dumulog na lang sa Korte Suprema kung sa tingin nito ay nalabag ang karapatan at hindi nabigyan ng due process si Sereno.
Aminado naman si Senador Ping Lacson na walang magagawa ang Senado kung magpasya ang Korte Suprema na patalsikin si Sereno batay sa Quo Warranto petition kahit pa may nakapending na Impeachment case laban dito.
Ang Korte Suprema aniya ang final arbiter ng batas at walang masting kumuwestyon sa anumang magging aksyon nito.
Pero sinabi ni Lacson na magpapatawag pa rin ng caucus ang liderato ng Senado para pag-usapan ang magiging pasya ng Korte Suprema.
Nauna nang sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel na pag-uusapan pa ng mga Senador lung itutuloy o hindi ang impeachment proceedings sakaling patalsikin si Sereno.
Ulat ni Meanne Corvera