Mga Senador tiwalang matitigil na ang mga kaso ng hazing
Umaasa ang mga Senador na hindi na mauulit ang kaso ng pagkamatay sa law student na si Horacio Atio Castillo dahil sa hazing.
Ayon kay Senador Ping Lacson, dahil nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang batas sa hazing, matitigil na ang mga kaso ng pambubugbog sa sinumang frat member.
Paalala ni Lacson, principal author ng batas na hindi pagpapakita ng brotherhood at unity ng isang organisasyon ang pambubugbog sa sinumang nais pumasok sa kanilang grupo.
Para naman kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, na naibigay na ang hustisya kay Castillo sa pagsasabatas ng hazing.
Dahil sa total ban ng hazing, sinabi ni Senador Nancy Binay na maoobliga na ang mga opisyal ng mga eskwelahan at mga local government units na suriin at imonitor ang mga organisasyon na tradisyunal na nagsasagawa ng initiation rites.
Penalty under hazing law
• penalty of reclusion temporal and P1 million on the participating officer and members of the fraternity who were involved in the hazing
• reclusion perpetua and P2 million on members who actually participated in hazing when under the influence of alcohol or drugs; and on non-resident or alumni who participate in hazing
• reclusion perpetua and P3 million on those who participated in hazing that resulted in death, rape, sodomy, or mutilation
• P1 million on the school if it approved an initiation of a fraternity, sorority or organization where hazing occurred.
Ulat ni Meanne Corvera