Mga Senador, umaasa na ihahayag ni PBBM ang tunay na estado ng bansa sa kanyang SONA
Inaasahan ng mga Senador na ilalantad ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang tunay na estado ng bansa sa kaniyang unang State of the Nation Address.
Ayon kay Senador Aquilino Koko Pimentel kasama na rito ang kakulangan ng pondo, dami ng pagkakautang, paano ang gagawing aksyon sa inflation at pagbangon ng ekonomiya.
Sinabi ni Pimentel na mahalagang mailatag ng Pangulo ang tugon ng pamahalaan sa isyu ng Agrikultura, Edukasyon, paglikha ng trabaho at ekonomiya.
Para naman kay Senador Jinggoy Estrada dapat ilatag ng Pangulo ang kaniyang campaign promise na bangon bayan muli para magkaroon ng guide ang mga mambabatas kung aling mga panukala ang binigyan ng prayoridad.
mahalaga rin aniyang maidetalye ng pangulo ang panawagan nitong pagkakaisa sa mga filipino tungo sa pagbangon ng bansa.
Meanne Corvera