Mga Senior Citizen at mga may Comorbidity na MMDA employees, nabakunahan na
Sinimulan na rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagtuturok ng bakuna sa mga empleyado nitong Senior Citizens at may comorbidity.
Sinaksihan ni MMDA Benhur Abalos ang unang araw ng vaccination kung saan unang naturukan ang 61-anyos na si Rene Gomez.
Sinabi ni Abalos na humingi na sila ng tulong sa Department of Health (DOH) para maisama sila sa priority list dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa virus.
Hanggang ngayong araw nasa 771 na sa 8,000 empleyado ng MMDA ang nagkaroon ng Covid-19.
Walo sa mga biktima ang namatay habang nasa 100 ang active cases na nasa isolation areas.
Dalawandaang empleyado kada araw ang target na maturukan ng Sinovac.
Iginiit ni Abalos na mahalaga ang bakuna para maprotektahan sila at kanilang mga pamilya sa panganib na dulot ng Covid-19.
Meanne Corvera