Mga senior citizen ng San Fernando binigyan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine
Matapos mabakunahan ang mga nasa A1 priority group o mga miyembro ng healthcare community, ay sunod namang binakunhan ng City Health Office ng siyudad ng San Fernando ang mga nasa A2 group o mga indibidwal na nasa 60 years old pataas o senior citizens, upang maprotektahan din sila sa bantang dulot ng coronavirus.
Nasa 1,700 pre-registered senior citizens ang binakunahan ng Sinovac vaccine, na mula sa Department of Health (DOH).
Para na rin sa kaligtasan ng mga nakatatanda, bago bakunahan ay dumaan muna sila sa mga pagsusuri at counseling at inobserbahan din kung magkakaroon ng anumang allergic reactions o kung magkakaron ng adverse effect sa kanila ang bakuna.
Makalipas ang 28 araw ay ibibigay naman sa kanila ang ikalawang dose ng bakuna.
Sakaling may maramdamang kakaiba ang mga nabakunahan at mangailangan ng assistance, ay ibinigay ng City Health Office ang Telemedicine hotline numbers nila na maaring tawagan.
Ulat ni Ellizer Cortez