Mga serye ng landslides at aftershocks, naitala matapos ang 6.6 magnitude na lindol sa Hokkaido, Japan

                                                photo credit: www.tvnz.co.nz

Dose-dosenang aftershocks at mga serye ng Landslides ang naitala matapos ang 6.6 magnitude na lindol sa Hokkaido, Japan.

Tumama ang lindol bago mag-alas-3:00 ng madaling-araw sa Japan at ang epicenter ay nasa 112 kilometers South ng Sapporo city, Hokkaido island.

Ang pagyanig ay  may lalim na 33 kilometro.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, mahigit 800 landslides ang naiulat partikular sa Atsume town.

Nakapagtala naman ng mga pagbaha sa Sapporo city matapos mawasak ang isang tangke ng tubig sa lugar.

May naitala ring sunog sa Petrochemical plant sa Muroran city.

Aaabot naman sa 3 milyong pamilya ang nawalan ng kuryente matapos i-shut down ang local Nuclear power plants pero ayon sa Hokkaido Electric, wala namang naitalang major damage sa mga critical facilities.

Patuloy pang inaalam ng Hokkaido Police ang bilang ng mga casualties pero batay sa inisyal na ulat isang matandang lalaki ang inatake sa puso at lima katao ang dinala sa ospital matapos mahulog ang mga ito sa hagdan.

Pinawi naman ng United States Geological Survey  ng pangamba sa tsunami.

Ang Sapporo ay ang kabisera ng Hokkaido prefecture na may populasyon aabot sa halos 2 milyong katao.

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *