Mga sigarilyo na nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon sa Western Mindanao Region sabay sabay na winasak
Sinira na ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Zamboanga ang ibat ibang klase ng mga sigarilyo na nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon sa Western Mindanao region.
Ayon kay Custom collector Jun Barte , aabot sa 395 million pesos ang halaga ng 11,219 master cases na mga sigarilyo ang kanilang sinira sa isang inuupahang warehouse sa Zamboanga city.
Kasabay nito inihayag ni Barte na susupilin nila ang mga iligal na aktibidad ng mga sindikato sa pamamagitan ng kanilang mga bagong kagamitan laban sa smuggling.
Leo Umban
Please follow and like us: