Mga sinibak na opisyal ng gobyerno dahil sa korapsyon, pinaiimbestigahan at pinakakasuhan na ni Pangulong Duterte sa Ombudsman
Personal nang kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Office of the Ombudsman para paimbestigahan ang mga nasibak na opisyal sa gobyerno dahil sa isyu ng korupsyon.
Sinabi ng Pangulo na kapag natapos na ang inbestigasyon dapat nang kasuhan ang mga nararapat na kasuhan na tiwaling opisyal ng gobyerno.
Ayon sa Pangulo nanawagan siya sa Ombudsman na lahat ng nasibak na opisyal dahil sa korapsyon ay dapat na inbestigahan at kasuhan.
Una nang sinibak ni Pangulong Duterte sina dating DILG Secretary Mike Sueno, dating Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago, dating CHED chairperson Patricia Licuanan, dating Presidential Commission on Urban Poor Chairman Terry Ridon dahil sa isyu ng korapsyon.
Binabatikos si Pangulong Duterte ng kanyang mga kritiko dahil matapos sibakin ang mga sinasabi niyang korap na government officials ay hindi naman sila nakakasuhan.
Ulat ni Vic Somintac