Mga stranded na OFWs sa NAIA, tatanggap ng 5,000 pisong cash aid mula sa Gobyerno

 

 

Nakatakdang tumanggap ng 5,000 pisong cash assistance mula sa gobyerno ang mga Overseas Filipino worlers o OFWs na na-stranded sa Ninoy Aquino International airport o NAIA.

Ito’y matapos ang sunud-sunod na pagkansela ng ilang International flights dahil sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen airlines kamakailan na naka-apekto sa libu- libong pasahero kabilang na ang mga OFWs.

Ayon kay Foreign Affairs secretary Allan Peter Cayetano, maaaring i-claim ang Cash Assistance ng mga OFWs mula mamayang tanghali hanggang Biyernes.

Ito anila ay ayuda para sa mga OFWs na wala ng panggastos sa kabila ng pag aantay na sila ay makaalis na patungo sa bansa na kanilang pupuntahan.

Ang nasabing assistance ay kaloob ng Department of Foreign Affairs at Office of Migrant workers affairs.

Samantala ayon pa kay Cayetano nakahanda na din magbigay ng certificate ang mga Philippine Embassies at Consulates sa abroad para sa mga OFWs na nangangailangan ang kanilang mga employer ng paliwanag kaugnay ng pagkadelay ng kanilang flights.

Kinakailangan lang na magdala ang OFW ng assistance ng kanilang airline ticket na may original date of departure;  reissued ticket na nakalagay ang bagong Date ng Departure, employment contract at Overseas Employment certificate.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *