Mga stranded na pasahero dahil sa Bagyong Auring bahagyang nabawasan
Bumaba na sa 4, 527 ang bilang ng mga stranded na pasahero drivers, at cargo helpers sa mga pantalan dahil sa epekto ng bagyong Auring.
Habang sa pinakahuling monitoring ng PCG, nasa 61 vessels; 4 motorbancas; at 1,739 rolling cargoes naman ang stranded sa mga pantalan sa Northern Mindanao, North Eastern Mindanao, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas , Bicol at Southern Tagalog.
Habang mayroon namang, 117 vessels at 96 motorbancas ang naka shelter bilang precautionary measure sa posibleng maging epekto ng bagyo.
Tiniyak naman ng PCG ang 24/7 monitoring sa gitna ng sama ng panahon.
Handa na rin ang kanilang deployable response groups upang ideploy sa mga apektadong lugar para sa posibleng evacuation o rescue operations.
Madz Moratillo