Mga stranded na pasahero sa iba’t – ibang pantalan sa bansa halos 2,000 na
Umabot na sa halos 2,000 pasahero ang istranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Typhoon Rolly.
Sa pinakahuling monitoring ng PCG, may 1,013 pasahero, 3 vessel, 2 motorbanca at 443 rolling cargoes ang stranded sa Bicol Region.
Mayroon namang 55 vessel at 4 na motorbanca ang nagshelter. Sa Southern Tagalog naman may 142 pasahero, 2 vessels, 7 motorbancas at 214 rolling cargoes ang stranded.
Habang may 136 vessels at 41 motorbancas ang nag-shelter.
Sa NCR naman may 183 pasahero, 3 vessels, 110 motorbancas at 8 rolling cargoes ang stranded.
Habang sa Eastern Visayas naman ay nasa 622 pasahero, 75 vessels at 181 rolling cargoes ang stranded habang may 5 vessels ang nag-shelter.
Tiniyak naman ng PCG na 24/7 nakamonitor ang kanilang Command Center para mabilis makatugon sakaling kailanganin lalo na sa emergency situations.
Madz Moratillo