Mga sundalo at pulis, prayoridad na maturukan ng Sinovac vaccine na ido-donate ng China


Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na iprayoridad sa mabibigyan ng Sinovac vaccine mula sa China ang mga sundalo at pulis.

Ayon kay Senador Christopher Bong Go, nais ng Pangulo na maisama sa prayoridad ang mga sundalo at pulis dahil kabilang rin sila sa mga frontliners.

Noong nakaraang buwan, nauna nang bumisita si Chinese Foreign Minister Wang Yi at nangakong magdo-donate ng 500,000 doses ng Sinovac.

Aniya, hinihintay na lamang ang approval ng Food and Drug Administration (FDA) para sa Emergency Use Authorization bago ito dalhin sa Pilipinas.

Tiniyak naman ni Go na siyang Chairman ng Senate Committee on Health na pinabibilis na ang proseso ng Procurement ng iba pang mga bakuna.

Katunayan, nakausap niya aniya si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez at nagsabing inaayos na rin ang mga papeles para sa bakuna ng Astrazeneca na mula sa Covax facility.

Meanne Corvera

Please follow and like us: