Mga sundalo at sibilyan nanamatay sa Marawi City, paparangalan sa isang “ high noon salute “
Hinimok ng Malacañang ang sambayanang Pilipino na magbigay-pugay at ipanalangin ang mga bayaning sundalo at sibilyang namatay sa Marawi City, gayundin ang kanilang mga naulilang mahal sa buhay.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, nakatakdang isagawa sa buong bansa ang ‘high noon salute’ para parangalan at magbigay-pugay sa mga nasawing sundalo sa Marawi City.
Ayon kay Abella, ang mga pangalan ng mga magigiting na sundalong napatay sa Marawi City ay ilalabas sa screen ng mga telebisyon at babasahin sa mga radyo.
Bukod sa mga sundalo, hangad din ng ‘high noon salute’ na alalahanin ang mga inosenteng sibilyang namatay sa karahasan ng mga terorista.
“Today as the nation observes Independence Day we will pay homage to the fallen soldiers of Marawi. The names of our brave soldiers who died fighting in Marawi City will be flashed on TV and read over the radio, with the sound of taps, at twelve noon as a tribute to their heroism for making the ultimate sacrifice for the flag and the country we dearly love. We would likewise remember all the innocent victims who perished as a result of rebel atrocities committed. We enjoin the public to honor these heroes and civilians and pray for them and the families they left behind”.- Abella