Mga suspek sa Metrobank robbery tukoy na ng MPD
Tukoy na ng Manila Police District (MPD) ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa panloloob sa Metrobank branch sa Binondo, Maynila nitong nakaraang linggo.
Batay sa inilabas na larawan ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina
Marlon “Ailon” Parojinog, siya yung nakasuot ng grab na makikita sa CCTV, Noli Bonifacio Casuela alyas Lito Dapitan, siya yung nakita sa CCTV na kasama sa unang pumasok sa bangko na nakasuot ng helmet.
Michael Calunod na kilala sa mga alyas na Pila, siya yung nakita sa CCTV na nakasuot ng asul na t-shirt na may nakasulat na foot printer sa likuran,.
Frederex B. Secretario, siya yung nakita sa CCTV na nakakulay itim na T-shirt na pumasok sa loob ng bangko at Gilcar Dumagan Mofan aka Jing Mofan.
Mas malinaw na rin ang mga larawang inilabas ng pulisya para mas madali itong ma-identify ng publiko.
Ayon kay MPD Chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr, lumalabas na konektado ang grupo sa Parojinog group ng Ozamis city.
Si Ailon Parojinog na lider ng grupo at Jing Mofan umano ay kapwa mayroong standing warrant of arrest dahil sa kasong murder.
Si Casuela alyas Lito Dapitan umano ang tumatayong sub-leader naman ng grupo.
Sangkot umano ang grupo sa roberry hold-up, pagbebenta ng iligal na droga at gun for hire activities.
Ang operasyon umano ng mga ito ay sa Maynila at mga kalapit lungsod.
Kaugnay nito muli namang iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno ang alok na isang milyong pisong reward sa sinumang makakapagturo sa mga suspek.
Narito ang mga numerong maaaring tawagan ng publiko:
(Globe) 0917 899 2092, (Smart) 0919 995 0976, (Landline) -(02) 523 3378
Aminado naman si Moreno na isa sa nagpapahirap sa imbestigasyon ay ang hindi pakikipagtulungan ng Metrobank.
Ulat ni Madelyn Moratillo