Mga taga Department of Agriculture nasermunan sa pagdinig ng Senado
Sinermunan ni Senador Cynthia Villar ang mga opisyal ng Department of Agriculture sa isyu ng Corn production.
Sa pagdinig ng Senado, kinuwestyon ng Senador ang mga taga DA ano ang ginagawang hakbang para National Corn Program ng gobyerno.
Kwestyon ng Senador, bakit walang nangyayari sa industriya ng mais samantalang aabot sa limang bilyong piso ang inilaang pondo para dito.
Sinilip rin ng Senador ang mga binhi at fertilizer para sa mais na ginagamit ng DA na inaangkat pa aniya sa ibang bansa.
Wala raw ginawa ang DA kundi mag- import kaya dapat lang itong tawaging Department of Importation.
Hinala niya may mga opisyal na kumikita sa pag- iimport kaya hindi na tinutulungan ang mga lokal na magsasaka para mapalakas ang corn production.
Meanne Corvera