Mga Taiwanese at Pinoy na akusado sa nasabat na 3.6 billion pesos na halaga ng shabu sa San Juan City noong 2016, hinatulang guilty ng Pasig RTC
Hinatulang guilty beyond reasonable doubt ng Pasig City RTC Branch 264 ang mga Taiwanese at Pinoy na akusado sa patung-patong na kaso ng iligal na droga kaugnay sa nasabat na 3.6 billion pesos na halaga ng shabu sa San Juan City noong 2016.
Pinatawan ng habambuhay na pagkabilanggo at pinagmumulta ng 10 milyong piso ng korte sina Chen Wen De alyas Jacky Tan, Wu Li Yong alyas David Go, Shi Gui Xiong, Salim Arafat, Bashir Jamal at Abdullah Jahmal para sa kasong illegal transport of dangerous drugs.
Bukod dito, sinentensyahan din ng hukuman ng lifetime imprisonment at multang 10 milyong piso sina Chen Wen De alyas Jacky Tan, Wu Li Yong alyas David Go at Shi Gui Xiong dahil sa illegal manufacture of dangerous drugs.
Hinatulan din habambuhay na pagkakakulong ang nasabing tatlong Taiwanese at pinagbabayad din ng 10 million pesos dahil naman sa illegal possession ng dangerous drugs.
Ulat ni Moira Encina