Mga Taiwanese, pinakiusapang huwag palitan ang kanilang pangalan para makalibre sa pagkain
TAIPEI, Taiwan (AFP) – Isang mataas na opisyal ng Taiwan ang nag-isyu ng isang plea, para itigil na ng mga Taiwanese ang pagpapalit ng kanilang pangalan sa “salmon,” matapos na dose-dosena na ang gumawa nito, para samantalahin ang isang restaurant promotion.
Sa naturang pangyayari na tinawag ng local media na “Salmon Chaos,” halos 150 kabataang Taiwanese ang nagtungo sa government offices nitong mga nakalipas na araw, upang opisyal na iparehistro ang bago nilang pangalan.
Ang dahilan nito ay ang isang chain ng sushi restaurants.
Sa ilalim ng dalawang araw na promotion na natapos na nitong Huwebes, sinumang customer na ang ID card ay nagtataglay ng “Gui Yu” – ang Chinese characters para sa salmon – ay entitled sa isang all-you-can-eat sushi meal kasama ng limang kaibigan.
Sa Taiwan ay pinapayagan ang mga mamamayan na palitan ang kanilang pangalan ng hanggang tatlong beses.
Subalit hindi ito ikinatuwa ng Taiwanese officials.
Ayon kay deputy interior minister Chen Tsung-yen . . . “This kind of name-change not only wastes time but causes unnecessary paperwork. I hope everyone can be more rational about it.”
Ilan sa mga nakapanayam ng local media na nagpalit ng pangalan ay ang college student na ang apelyido ay Ma, kung saan idinagdag nya ang characters na “Bao Cheng Gui Yu” sa bago niyang pangalan at nakakain na sila ng higit pitong libong Taiwanese dollar na halaga ng sushi.
Ang kahulugan ng bagong pangalan ni Ma ay “Explosive Good Looking Salmon”.
Ayon naman sa isang babae na ang apelyido ay Tung, siya at ang kaniyang mga kaibigan ay pinalitan na ng salmon ang kanilang pangalan. Aniya, ibabalik na lamang nila ito sa dati sa kalaunan.
Ang iba pang salmon-themed names na napaulat sa local media ay ang “Salmon Prince,” “Meteor Salmon King” at “Salmon Fried Rice”
May isa namang residente na nagpasyang magdagdag ng 36 na bagong characters sa kaniyang pangalan, na ang karamihan ay seafood themed, gaya ng “abalone”, “crab” at “lobster”.
© Agence France-Presse