Mga taong madalas na kumakain sa labas o kaya ay nagte-take-out ng pagkain, prone umano sa ibat-ibang uri ng sakit – ayon sa pag-aaral.
Maraming mga kababayan natin na dahil sa pagiging abala sa trabaho ay hindi na nagagawang magluto ng kanilang mga kakainin.
Sa halip, ang pinupuntahan nila ay fastfood centers o di kaya naman ay karinderya upang makatipid na rin .
May mga pag-aaral na pito sa bawat sampung mga Filipino ay kumakain sa labas o kaya ay nag te take out ng kanilang kakainin sa halip na sa bahay kumain.
Ayon kay Dr. Imelda Agdeppa, Assistant Scientist ng FNRI-DOST, karamihan sa karinderya o fast foods ay walang tindang gulay at kung meron man anya ay isang uri lamang at walang variation.
Sinabi pa ni Agdeppa na mas mainam kung kahihiligan ng mga Filipino ang pagkain ng mga indigenous vegetables na tulad ng colitis malunggay sigarilyas at saluyot na siksik sa bitamina at mineral at maaring itanim sa bakuran.
Ulat ni Belle Surara