Mga taong nagpaturok ng booster shot ng COVID-19, kakasuhan

Magpupulong ang Metro manila mayors para talakayin ang susunod na hakbang sa napaulat na ilang taga Metro manila ang nakapagpaturok ng booster shot o ikatlong bakuna laban sa Covid 19.

Sa kumalat na impormasyon sa social media, isang lalaki na nagpaturok na ng dalawang dose ng sinovac sa mandaluyong noong mayo ang nakapagpaturok ng ikatlong bakuna na moderna sa Quezon city.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na iniimbestigahan na ng mga Mandaluyong at Quezon city ang kaso.

Inaalam na rin aniya kung nangyari rin ang ganitong kaso sa iba pang syudad sa metro manila.

Kung mapapatunayan ang kaso, maaring itong makasuhan ng falsification o pamemeke ng dokumento at iba pang kaso.

Umapila si Abalos sa publiko na huwag mandaya sa bakuna at bigyan ng tyansa ang mga hindi pa nabakunahan.

Sa ngayon ikinukunsidera na aniya ng ilang syudad sa Metro manila na tumanggap ng mga nais magpabakuna kahit nakarehistro sa ibang lungsod o kalapit probinsya.

Tinukoy nito ang Mandaluyong city na tumatanggap na ng mga nais magpabakuna mula sa labas ng siyudad matapos mabakunahan ang 70 percent ng kanilang adult population.

Itoy bilang tulong sa mga local government units para mapabilis ang vaccination program at maabot ang target na herd immunity.

Meanne Corvera

Please follow and like us: