Mga taong nakararanas ng back pain, maaaring humantong sa isang uri ng Arthritis na tinatawag na Ankylosing Spondylitis
Maraming tao ang nakararanas ng tinatawag na occasional backache.
Maaaring ito ay sanhi ng mechanical factors tulad ng paulit ulit na pagbubuhat ng mabibigat na bagay o biglaang hindi inaasahang paggalaw na makapagdudulot ng kirot ng back muscles at spinal ligaments.
Gayunman, ang sanhi ng pananakit ng likod ay maaaring mas malala kaysa sa ibang nararanasang pagsakit ng likod.
Sa paggunita ng World Spine Day, sinabi ni Dra. Julie Li-Yu, Presidente ng Philippine Rheumatology Association o PRA, kailangang ma-distingge kung ang pananakit ng likod ay mechanical o inflammatory.
Dra. Julie Li-Yu:
“Ang concern namin sa inflammatory backpain, hindi mechanical backpain yan, hindi dahil nag da-drive sila ng matagal, nakaupo ng matagal sa table, hindi yan ang back pain na were more concern of. –what were more concern of —ung inflamatory back pain, yung matagal bago sila makagalaw, it takes a while bago sila makabihis, so eto ung mga senyales na we have to watch out for it”
Samantala, isa sa dinapuan ng Ankylosing Spondylitis ay si Mr. Clark Ferrer, President, Ankylosing Spondylitis Asociation of the Philippines.
Payo ni Dra. Yu, mag-ehersisyo ng dahan-dahan at huwag bibiglain ang mga kasukasuan, doblehin ang pag-iingat sa pagtatrabaho upang makaiwas sa disgrasya at kumunsulta sa doktor.
Ulat ni Belle Surara