Mga tauhan ng DFA- Office of Consular Affairs Passport Division, sumailalim sa fraud detection training
Sumailalim sa pagsasanay sa fraud detection ang mga tauhan ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) Passport Division.
Ayon sa DFA, ang programa ay bahagi ng commitment ng kagawaran para maprotektahan ang integridad ng mga pasaporte ng Pilipinas.
Pinangunahan ng mga tauhan mula sa National Bureau of Investigation (NBI) ang training ng mga passport personnel.
Kabilang sa tinalakay ang document Fraud detection and signature verification at fraud detection and profiling at non-verbal communication/body language .
Nagkaroon din ng question-and-answer session para mapalawig ang kaalaman ng mga lumahok sa paghawak sa passport-related fraud at irregularities.
Sinabi ng DFA na mahalaga ang gampanin ng Passport Integrity Fraud Management Unit (PIFMU) sa pagsasagawa ng beripikasyon at imbestigasyon ng passport application irregularities kabilang ang assumed identities, identity theft, tampered documents, at passport applications ng hinihinalang dayuhan.
Moira Encina