Mga Tip Pang- Kaligtasan laban sa Matinding Init para sa mga Manggagawa ng Basura

Courtesy : ECOWASTE COALITION

1. Iwasan ang mahabang pagkakalantad sa araw.
2. Mag-almusal, maligo at magdasal bago lumabas ng bahay.
3. Alamin ang limitasyon ng iyong katawan sa init at i-adjust ang oras ng pagtatrabaho upang makaiwas sa panganib.
4. Iwasang mag-init ang ulo o magalit, at maging mahinahon, masaya at positibo.
5. Laging magdala at uminom ng maraming tubig.
6. Iwasan ang pag-inom ng alak at mga inuming may labis na caffeine at asukal.
7. Kumain ng mga prutas at gulay na nakapagpapalamig ng katawan tulad ng pipino, singkamas, pakwan at kamatis. 
8. Gumamit ng sombrero, sombrerong payong o anumang panakip sa ulo tulad ng bandana o bimpong “Good Morning.” 
9. Magdala ng payong at pamaypay.
10. Magsuot ng maluwag at kumportableng damit na may mahabang manggas; magbaon ng pamalit.
11. Maglagay ng payong o tarapal sa iyong kolong-kolong.
12. Iwasan, kung hindi ihinto, ang paninigarilyo at/o pag-vape.
13. Maging alerto sa mga sintomas ng sakit dahil sa matinding init.
14. Alamin ang first aid (paunang lunas) laban sa heat stress.
15. Kapag nakaramdam ng pagka-tayamtam (dehydrated) at panghihina, maghanap ng lilim, uminom ng tubig, at magpahinga.

Courtesy : ECOWASTE COALITION

Ang mga nabanggit na mga tip pang-kaligtasan ay binuo ng EcoWaste Coalition at mga kasaping grupo nito mula sa hanay ng mga mangangalakal ng basura: Bagong Silangan Resource Collectors Association (BASIRCA, Quezon City), Kabulig sa Kinaiyahan Resource Collectors Association (KKiRCA, Cagayan de Oro City), Mintal Resource Collectors Association (MIRCA, Davao City). Nagkakaisang  Lakas ng mga Mangangalakal sa Longos (NLML, Malabon City), Samahan ng mga Mangangalakal sa Bagong Silang (SMBS, Caloocan City), Samahan ng mga Mangangalakal sa San Vicente Ferrer, Camarin (SMSVFCCC, Caloocan City), at Samahan ng mga Mangangalakal ng Scrap sa Capulong (SMC, Manila City).  Nag-ambag rin ng mga mungkahi ang mga kababaihang mangangalakal mula sa Baseco, Manila City; Pinagbuhatan, Pasig City; at Pinyahan, Quezon City na nakapagtapos sa Women in Waste’s Economic Empowerment – Basic Business Empowerment Skills Training (WWEE-BBEST).

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *