Mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, nagsasabwatan umano para ipahiya ang mga BOC at Port officials

 

Nagsasabwatan daw ang mga kura na mga opisyal ng pamahalaan para hiyain ang mga opisyal ng Bureau of Customs na gumaganap lang sa kanilang tungkulin.

Ito ang inihayag ng isang opisyal ng BOC  bilang reaksiyon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs at Committee on Good Government ukol sa shabu shipment na sinasabing  itinago  sa apat na magnetic lifters na naipuslit sa Manila International Container Port.

Anya mula sa PNP, PDEA  at sa mismong BOC ang mga tiwaling opisyal na nagsanib-puwersa para manipulahin ang pagpasok ng sinasabing 6.8 Billion pesoa na shabu shipment sa bansa.

Halata din daw na ipinakikita sa nasabing hearing kung paano nag-“leaked” sa ilang indibiduwal ang intelligence information ukol sa shipment.

Ayon pa sa Customs official, nakalulungkot na nadadamay sa kahihiyan ang mga mabubuting opisyal ng BOC dahil lamang sa kagagawan ng iilang bulok na opisyal ng gobyerno.

Umaasa ito na sa bandang huli ay mabibigyan ng hustisya ng mga imbestigasyon sa Kamara at Senado ang mga hindi kasabwat sa drug shipment habang maparusahan naman ang mga responsable sa pagpuslit ng droga.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *