Mga tsuper ng pampublikong sasakyan makakatanggap ng tig P 6,500 na pantawid pasada fuel subsidy – Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na makakatanggap ng tig-6,500 pisong fuel subsidy na ipapasok sa pantawid pasada card ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan.
Sinabi ni Acting Budget Secretary Toni Rose Canda na kompleto na ang mga dokumento na isinumite ng Department of Transportation o DOTr at Department of Energy o DOE sa Department of Budget and Management o DBM upang mailabas na ang 2.5 bilyong pisong pondo para sa ayuda ng pamahalaan sa sektor ng transportasyon.
Ayon kay Canda pangangasiwaan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB ang pagbibigay ng fuel subsidy na pakikinabangan ng may 179,000 na public transport units na apektado ng lingo linggong oil price increase sa bansa.
Inihayag ni Canda ang pondo para sa fuel subsidy sa transport sector ay hinugot sa 2022 national Budget.
Vic Somintac