Mga tumututol sa Martial Law, dapat ipadala sa Marawi City
Dapat ipadala na lang sa Marawi City ang mga mambabatas at iba pang grupong tumututol sa implementasyon ng Martial Law sa buong Mindanao.
Ito ang hamon ni Senate Majority Leader Vicente Sotto sa harap ng hirit ni Albay Congressman Edcel Lagman sa oral arguments sa Korte Suprema na hindi maituturing na rebelyon ang terrorism at hindi rin batayan para tuluyang suspindihin ang writ of habeas corpus.
Pero sabi ni Sotto, mas mabuting ang mga kontra sa Martial Law ang gumawa ng hakbang para tapusin ang gulo sa Marawi City.
Sabi naman ni Sen. JV Ejercito, hindi ordinaryong kriminal ang kalaban ng gobyerno kundi mga terorista na handang pumatay at i-take over ang mga pasilidad ng gobyerno.
Katunayan, sinabi ng Senador na kung pagkatapos ng 60 araw na pag-iral ng Martial Law, papaboran niya ang posibilidad na palawigin pa angimplementasyon ng batas militar.
Ulat ni: Mean Corvera