Mga tutol sa Martial Law extension malayang dumulog sa Korte Suprema
Malaya ang sinoman na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang extension ng Martial Law sa Mindanao.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar bilang tugon sa mga mambabatas na tumutol sa extension ng Martial Law matapos itong desisyunan sa joint session ng Kongreso noong Sabado.
Sinabi ni Andanar na bahala na ang Korte Suprema na sumagot sa petisyon ng mga mambabatas .
Wala aniyang ipinagkaiba ito sa naging deklarasyon ng kataas-taasang hukuman sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 23.
Please follow and like us: