Mga umaalis na turistang Pinoy, nananatiling mababa sa kabila ng pagpayag sa non-essential outbound travel
Nananatili paring mababa ang bilang ng mga turistang Pinoy na umaalis ng bansa sa kabila ng pag-alis sa Departure restrictions at pagpapahintulot sa non-essential outbound travel.
Sa datos ng Bureau of Immigration (BI) hanggang nitong Oktubre 21, 95 Pinoy lang ang umalis sa ilalim ng Tourist visa mula sa 1,172 Pinoy na lumabas ng bansa.
Ayon kay Immigation Commissioner Jaime Morente, maaaring ito ay dahil sa maraming Pinoy pa rin ang takot na bumiyahe palabas ng bansa dahil sa takot lalo na at patuloy pa ang banta ng Covid-19.
Umaasa naman si Morente na tataas pa ang bilang na ito lalo na at malapit na ang holiday season.
Madz Moratillo