Mga unused at excess na balota mula sa Baao, Camarines Sur nadiskubreng may shaded na boto para kay VP Robredo sa ikatlong araw ng recount
Sa ikatlong araw ng manual recount sa mga kinukwestyong boto sa pagka-bise presidente… may natuklasan na namang iregularidad sa mga balota sa Camarines Sur.
Nabatid na mayroong boto para kay Vice-president Leni Robredo ang mga unused at excess ballots sa munisipalidad ng Baao, Camarines Sur.
Shaded o may initimang boto para kay Robredo ang mga nasabing mga balota.
Nagsimula ang bilangan alas ocho y medya ng umaga sa Supreme Court- Court of Appeals gymnasium.
Una nang sinabi ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na may mga shaded na excess ballots na nadiskubre sa unang araw ng recount.
Ilan pa sa tinukoy ni dating Senador Bongbong Marcos na mga problema ay ang mga basang balota, nawawalang audit logs at sirang mga ballot box.
Umatras din sa ikalawang araw ng recount ang apat sa mga head revisors na ikinagulat at ikinabahala ni Marcos.
Ulat ni Moira Encina