Mga uri ng diet na dapat alamin upang hindi mapinsala ang kalusugan , ayon sa mga eksperto
Sa pagpasok ng panibagong taon, hinahangad ng halos lahat ng tao na manatiling malusog ang katawan at maiwasan ang ibat’ibang uri ng karamdaman.
Kaya naman, very conscious ang maraming indibiduwal sa kung paano nila gagawin ang pag da diet upang makatiyak na hindi tataas ang kanilang timbang at maiwasan na maging obese.
Laganap sa kasalukuyan ang ibat’ibang uri ng diet, kabilang sa mga popular na diet ay ang “atkins diet”, “south beach diet” at “the zone diet”.
Ayon sa mga nutritionist, ang mga nabanggit na diet ay nagbabawal ng pagkain ng carbohydrates.
Bukod dito, may mga tao rin na piniling gawin ang vegetarian diet, ito naman ang diet na may kasamang ibat’ibang uri ng pagkain tulad ng bigas, prutas, legumes, mga gulay, butil at mani, gatas at itlog.
Ang iba pang uri ng diet ay “raw diet” ,ibinabatay ito sa pagkain ng hindi nilulutong mga pagkain na galing sa halaman at ”low sodium diet” naman ay isang uri ng diet na dito ay binabawasan ang paggamit ng asin sa mga pagkain.
Mayroon ding tinatawag na “fruit diet”, sa diet na ito, pinipiling prutas lamang ang dapat kainin.
Marami rin ngayon ang sumusubok na gawin ang “cabbage diet” na ang kinakain ay repolyo lamang.
Ngunit, binibigyang diin ng mga eksperto na bago magsimula ng anumang pagda diet at pagpapalit ng paraan ng pagkain, mahalagang kumukunsulta sa isang nutritionist o dietitian upang makatiyak na tama ang paraan nang hindi mapinsala ang kalusugan.
Ulat ni Belle Surara