Mga uuwing OFWs, pwede nang mag-Home quarantine- PCG
Ayon sa Philippine Coastguard, pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay agad silang kukuhanan ng swab sample.
Pagkatapos nito ay maaaring sa bahay na lamang sila sumailalim sa 14 day quarantine period habang hinihintay ang resulta ng kanilang covid test.
Kahit naman nasa bahay ay dapat na mahigpit na sumunod sa mga pinaiiral na health protocol at ang magka-quarantine ay dapat naka isolate.
Pero kailangan na ang susundong kaanak sa kanila ay mayroong katunayan na residente sila ng NCR.
Pero paglilinaw ng PCG ito ay para lamang sa mga uuwing Overseas Filipino at hindi aplikable sa mga dumarating na OFW.