Mga watawat ng Pilipinas sa lahat ng korte sa bansa, naka half-mast bilang pagpupugay kay FVR
Iniutos ng Korte Suprema na ilagay sa half- mast ang mga watawat ng Pilipinas sa lahat ng courthouses sa buong bansa.
Ito ay bilang pag-alaala at pagkilala sa mga serbisyo kay dating Pangulong Fidel V. Ramos sa bansa.
Ayon sa Supreme Court, maaalala ng hudikatura si FVR bilang tagapagsulong ng katarungan at judicial reforms.
Sa panahon ng liderato ni Ramos, sinabi ng SC na ibinigay nito ang kanyang buong suporta sa kampanya ng hudikatura para sa modernisasyon at judicial excellence.
Ang committent anila ni Ramos sa hustisya ay nakatulong para tumatatag ang hudikatura.
Sinabi pa ng SC na si Ramos ay tunay na tagapagtanggol sa kapayapaan at demokrasya ng bansa.
Moira Encina